Ang
Allah ay ang tunay at tanging Tagapaglikha. Siya ay
walang anak at hindi rin ipinanganak. Siya ay walang
katulad.
Ang Allah ay hindi lamang
Diyos ng isang tribo o pangkat ng tao, bagkus Siya ang
Tunay na Panginoon ng lahat. Kaya’t Siya lamang ang
karapat-dapat sambahin at wala ng iba pa.
Siya ang nagpadala ng mga
Sugo upang turuan ang tao sa pagsamba lamang sa Kanya.
Ang ilan sa kanila ay sina : Propeta Noah, Abraham,
Moses, Hesus,Mohammad (sumakanila nawa ang kapayapaan).
Pinananatili ng mga Muslim
na Siya ay tawagin sa pangalang Allah. Siya (Allah)
mismo ang nagbigay ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng
kapahayagan o rebelasyon na Kanyang ipinadala sa mga
piling Propeta. Siya ang tanging Tagapaglikha ng lahat
ng bagay na ating nakikita at hindi nakikita.
Ayon sa Banal na Qur’an
(32:4):
“ Ang Allah ay (Siyang)
lumikha ng kalangitan at kalupaan at ng lahat ng nasa
pagitan nito….. ”