Insight to Religions

 Islamic Directory Filipino Guide
        
 

 
 

 

Content

 

  Pagkain Para Sa Isipan.
   MALIWANAG NA PAGKAUNAWA SA MGA RELIHIYON
   Pagkilala Sa Mga Parehong Paniniwala
  Ilan ?
  Parehong Kalatas.
  Nag-iisa Lang.
  Big Bang ?
  ANO ANG ISLAM ?
  SINO ANG ALLAH ?
  SINO ANG MUSLIM ?
  SINO SI MUHAMMAD?
  ANO ANG BANAL NA QUR’AN ?
  History Of Islam in the Philippines
  HESUS anak ni MARIA
  Ang Mga Mahahalagang Aralin Para Sa Muslim Ummah
  ANG PAG-AASAWA SA ISLAM
  Testimoniya

Testimony of converts


  FREE, Yes FREE!!! Books & Qur'an
 
 
 
 
 Want to E-Mail Anyone?
 
   
 

Big Bang?

Original written in English by Bro. Jalaludeen and posted as " Big Bang? http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig006.htm Translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales

 

Kanina, aming binangit ang tungkol sa mga pananaw ng Ateista (taong-walang Diyos) at saka ang mga pang-agham na pananaw ng Ebulusyon (evolution). Bagaman, mayroon tayong bahagyang duda tungkol sa kung paano ang mga ganoong teoria ay nalagay dito sa mga aral na isipan, tayo ay nagtataka kung bakit hindi nila nagawang naipaliwanag or nabigong pagnilay-nilayin kung ano ang maliwanag na nakaumbok sa kanilang mga kamay at paa.

Bawa't isa sa ating kasalukuyang henerasyon ay tila batid ang ating kakayahan na gamitin ang ating sariling mga tatak ng daliri bilang isang paraan ng identipikasyon sa pagitan ng bawat isa, sapagkat, ito ay likas na walang-katulad. Sa ngayon, ating nakita na kahit ang ating ngipin, mga mata at saka kahit ang kayarian ng ating DNA ay walang-katulad sa bawat tao. Ito ay tila di-karaniwan na ang mga Siyentipiko, mga Ateista, mga Manipestayon, mga pagkakatawang-tao at mga reenkarnasyon ay hindi nagawang pag-isip-isipin sa kung bakit ganito ang pangyayari, kung tayo ay nabubuo lang mula sa isang hugis tungo sa ibang hugis. Sa ating kasalukuyang mga lipinan, ating natagpuan na, ang tanging paraan upang mahawakan ang tao na managot, ay sa pamamagitan una ng pagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan, tulad ng numero, identity card o pasaporte. Ngayon, dapat nating isipin kung sino ang naglagay nitong paraan ng pagkakakilanlan sa atin.

Ang ano mang uri ng paraan ng pagkakakilanlan na ating ma-imbento, ay karaniwan ng maiwawaksi, subalit ang pagkakakilanlan na ito na ginawa sa atin ay hindi matatangal o puwede ba ? Hey, ano ito, meroon dapat isang paraan pang-agham na maalis itong walang-katulad na hugis na mga linya sa ating mga kamay, buweno, puwede nating subukan na alisin ang pang-ibabaw na patong ng ating mga balat, (ikinalulungkot ko mga kamag-anak, hindi uubra, ang mga guhit ay muling lumabas. Sinubukan namin ito) siguro ay Plastic Surgery ! O kaya'y pwede nating gamitin ang mga kemikal, upang sunugin ito. May iba pang mga mungkahi, paki lang. Mayday ! Mayday ! S.O.S. tinatawagan ang lahat ng siyentipiko, mga ebulusyonista, mga ateista, freethinkers at mga UFO din.

Oops ! Ikinalulungkot, hindi kami ang may gusto na maalis ito subalit sila na hindi matanggap na sila ay nalikha ng isang Lumikha, sapagkat ito ay isang maliwanag na katibayan ng Kanyang pagiging nariyan.

May nagbanggit ng pagputol ! Ikinalulungkot uli.

Humihingi kami ng paumanhin sapagkat nalimutan namin ito, ang DNA na bagay, paano natin maaalis iyan ? Huwang magalala. Nakuha namin ang kasagutan, basta bumisita lang kayo sa ilalim (libreng pribyu sa pahina 8) kapag tapos na kayo sa pahinang ito.

Hindi ba nila tinatanong ang kanilang mga sarili kung bakit ? Kahit ang isang butil ng dugo, o buhok ay mayroon kanyang pagkakakilanlan. Hindi ba sila nagtataka sa kung SINO ang maaaring naglagay at nag-monitor ng ganyang pamamaraan ng pagkakakilanlan ? Hindi ba nila naiisip na sa pamamagitan ng paraan na ito, bawat butil na pag-aari ng isang tao ay maaaring masusog pabalik sa kanya at maisauli sa orihinal na may-ari (kahit na siya ay patay na, na-cremate at ang kanyang abo ay naikalat na sa maraming lugar) ? Hindi ba nila nauunawaan na ang ebolusyon ay mangangailangan pa rin ng isa na susubaybay nitong paraan ng pagkakakilanlan ng sa ganoon ay hindi ito muling maulit sa parehong henerasyon ?

Hindi ba nila napapansin na ang paraan ng pagkakakilanlan ay umiiral sa lahat ng uri ng buhay, kasama na ang mga dahon, mga hayop at kahit na mga bato ?

Sa pamamagitan ng lohika, kung maglalaan ka ng tamang gatong, magagawa mong magsagawa ng walang pahinga. Subalit subukang kumain at subukan mong panatiliing gising ang iyong sarili ng walang tulog. Maliwanag kahit ang ating oras ng paggalaw ay nahahati ng paghahalinhinan ng araw at gabi. Oras para sa tao at oras para sa Jinns.

Dapat din nating tanggapin ang ating mga limitasyon sa ating paningin, pangamoy at ang iba ay kailangan pa nating maunawaan, ibig sabihin, kahit ang isang hayop tulad ng aso ay mapapansin sa kanyang dagdag na kakayahan na umamoy at makarinig at kaiba ang tingin ng mga ahas sa mga bagay at sila ay hindi nakakarinig. Kahit nagawa na nating makamtan ang isang katangitangi na pagsibol sa pamamagitan ng natipon na karunungan na nagawa nating mapaghambing sa pagdaan ng mga henerasyon, palagi tayong pinaaalahanan at tinutulungan ng isang ekstrang pinanggagalingan, na alam sa katawagang tekniko na, ang ating konsiyensiya. At sa lahat ng oras, itong konsiyensiya, ay inaakay lang tayo sa Kabanalan. Paano nangyari ito ? O, ito ba ay isang damdaming Big Bang ?

Nakakagulat din, halos lahat ng ating mga natuklasan, ay lumabas mula sa isang kabiguan o sakuna, bagaman, sa lahat ng mga natuklasan ang tao ay palagi ng inaangkin ang kredito bilang kanilang gawa, sa kailaliman, kailangan nilang tanggapin na sila ay inihatid ng isang di-alam na pinagkukunan upang magawa ang mga ganoong aktibidades, na naghatid sa pagdebelop niyon.

Sa gayon, nagagalak kaming ipaalam na ang pang-agham na teoriya ng pagsibol (evolution), ay isang daan palabas at maaring sabihin na, sila ay inililigaw ng masamang puwersa, na kalimitan nating tinatawag na, parang demonyo, masama o dimonyo, kahit dito ang agham ay nabigong isaalang-alang ang tungkol sa pagkakaroon ng masamang puwersa, bakit ? At paano sila nangyari ? Sa pamamagitan ng BIG BANG at Wala ! Mayroon tayo ng lahat nito. Hindi sinasadya, kailangan pa nilang pahalagahan ang pagkakaroon ng magik o ilusyon, gaya ni David Copperfield, na sabihin na…hindi ito tunay, kundi ang ating mga mata ay labis na madadaya ng ilusyon, ang paniwalaan na siya nga ay nakalilipad.

Pagkamangha, bakit, kapag ang mundo ay umiikot, subalit tila hindi tayo apektado ng kanyang pagkilos, ganoong alam natin na ang lahat ay binubuo ng mga atom na palaging kumikilos, subalit ang bawat konpigurasyon ay pinananatili pa rin ang kanyang hugis. Hindi kaya mayroong isa na namamahala sa kanya ? Bakit hindi ito mabuo sa ibang bagay pa ?

Ang mga kasagutan sa lahat ng ito at higit pa, ay matatagpuan lamang sa isang kasulatan. Oo, sa isang kasulatan lamang. Uli iyan ay baka madama n'yo na may karapatan kayong makapamili, buweno, kailangan naming iwanan kayo dito, sapagkat kung saan ang inyong Lumikha ay may kinalalaman, wala tayong karapatang makapamili.

Gawin nating madali ito sa inyo. Tunay na katawa-tawa para sa isang palayok na sabihan ang taga-gawa ng palayok kung ano ang gusto ng palayok o ayaw ng palayok.

Hindi mo pa rin ba nakukuha ito ? Buweno, basta mag-isip ka pang mabuti. Subalit huwag kang magalala, ito ay padating (ang permanente mong pagbibiyahe).

Oops ! halos nalimutan ang tungkol sa bersong ito.

Qur'an, Al Anbiya (21:30)… Hindi ba nakikita ng mga hindi naniniwala na ang mga kalangitan at ang mundo ay pinagsama (bilang isang bahagi ng paglikha), bago Namin biniyak sila ng hiwa-hiwalay ? Ginawa Namin mula sa tubig ang bawat bagay na may buhay. Hindi pa rin ba sila maniniwala ?

Ipalagay na nabuhay ka sa panahon na ang rebelasyon na ito ay ipinahayag (o kahit na sabihin na mga100 taon lang ang nakakaraan) sa nakaugalian mo iyong itatangi, hahamunin o pabubulaanan pa itong mga katanungan, hindi ba ? Ilarawan sa isip ang ilang Arabo sa disyerto na kung saan ang tubig ay mahirap, at sila ay dumating at sinabi sa iyo na higit kang tubig kaysa akala mo, paniniwalaan mo ba siya ? Kukurutin mo ang sarili mo o maglululundag ka pataas-pababa pero hindi mo maririnig o madarama ang ano mang tilamsik na nangyayari sa loob mo, dama o dinig mo ? At andoon ang baka sugatin mo pa ang sarili mo para mapatunayan lang na mali siya, hindi ba ? Nangangahulugan na mali ito, hindi ba ?

Subalit hintay, ilang makabagong siyentipiko ng western world noong mga seventies (1970 hindi 600 A.D.) ang tumanggap ng Nobel prize dahil sa pagkumpirma sa kung anuman iyon na nahayag mga 1419 na taon na ang nakakaraan. Ang pinakabuod ng bagay na ito ay kahit na ang kasulatan ay nagpahayag na tayo ay nilikha mula sa tubig, wala ni isa ang nakagawa na mapatotohanan ito noong mga panahong iyon. Kung hindi iyan sapat subukang ipantay ang Big Bang doon sa biniyak ng hiwa-hiwalay na binangit sa bersong ito. Ngayon, aling bahagi ng berso sa itaas ang iyong tatanggihan at aling bahagi ang iyong tatanggapin ?

Hindi pumapasok ? Mas mabuti pa, magpatuloy tayo doon sa susunod na paksa : Ang Ganap !

Continued in English at http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig007.htm

 
All knowledge belongs to Allah (swt) so copy as required!

 


FastCounter by bCentral 

Down Load FREE Noble Qur'an (2500 kb)

Other Filipino Muslim web site directory

Tagalog Filipino Maranao
Muslims in the Philippines We found Islamic Information Center
Maranao.com Mindanao Luwaran
Moro Jihad Bangsamoro Balik Islam
Halal magazine

Rahma

 
     

     

"Click" here to Vote for "Filipino Guide" in PinoyTop100

"Click" here to Vote for "Filipino Guide in Top100

Yehey! 
The Philippines' Largest Search Engine.

 

Select and Click to
The Best Philippines Site