Original written in English by Bro.
Jalaludeen and posted as : Only
One! at http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig005.htm.
Translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales
Ating napagkasunduan na
dapat meroon ISANG LUMIKHA LANG, at ngayon ating
ipalagay na Siya ay nagbigay ng parehong kalatas, umaasa
tayo dito na ating mapapatunayan na binigyan din Niya
tayo ng isang Relihiyon lang.
Subalit ang tao dahil sa
kanyang limitadong pang-unawa, ay piniling pakahuluganan
ito sa paraang dama niya ay pinakamaginhawang gawin,
kaya ito ay nabago sa pagdaan ng panahon.
Mula sa kasalukuyang walong
relihiyon na sinuri natin sa parehong kalatas, tila Isa
lang ang mas maliwanag at walang-dayang dinaig sa
ningning ang iba, saka ito ang pinaka-huli, na
nagpapakilala na ito ang panghuling kalatas para sa
sangkatauhan, ibig sabihin ay ang mga naunang kalatas ay
hindi naunawaan at binago ng tao, ang kasulatang ito
lamang ang dapat ituring na TANGING NAG-IISA, para sa
ating henerasyon. Ating siyasatin kung bakit ?
1) Ang tanging Kasulatan na
May-kinalaman sa Relihiyon, na maliwanag binangit, ang
paraan ng ating paglilihi sa sinapupunan ng babae, ay
ang Qur'an. Walang ibang kasulatan ang may ganitong
detalye, na tinanggap bilang katotohanan ng agham na
naisulat 1417 taon ang nakalilipas, noong wala pang mga
instrumento o kasaysayan na may kinalalaman sa medisina
na magtutulot upang maunawaan natin ang embriyolohiya.
Paano ang isang ganyang impormasyon, ay naisulat ng
isang mangmang na Arabo, na naninirahan sa isang hindi
sibilisadong lugar, ay tunay na isang bagay na dapat
isaalang-alang na mabuti ng isa.
(Isa lang ito sa ganyang
impormasyon, na naipahayag lang sa Qur'an.)
2) Ang tanging kasulatan, na
nasulat sa loob ng panahon na buhay pa ang guro at
natipon sa loob ng maiksing panahon at ng kanyang mga
disipulo na tunay na mga saksi sa mga katuruan ay ang
Qur'an, na napanatili rin sa kanyang orihinal na wika
hanggang ngayon. Ang iba ay natipon kahit saan mula
sa100 hanggang sa 1000 na taon pagkaraan ng kung sino na
hindi naman personal na nakaharap ang orihinal na guro
at kalimitan ng ang tunay na wika ng guro ay nawala,
nalimutan o hindi na ginagamit. Kadalasan ito ay malakas
na ipinapalagay na ito ay naipahatid sa pamamagitan ng
isa sa mga orihinal na disipulo at kalimitan hindi sa
tunay na salita ng guro kundi sa naisalin na anyo, itong
mga salin, sa iba't ibang wika ang nangingibabaw at ang
mga siping ito ay tinatangap bilang siyang orihinal
ngayon. Kailangan nating tandaan dito na, ang mga salin,
ay maaaring mag-iba-iba sapagkat ang bawat wika ay
maaaring magkaroon ng kanyang pambihirang kahulugan sa
isang salita at ang ilang salita ay maaaring walang
kahulugan sa ibang mga wika. Higit sa lahat kung tayo ay
mapagmasid, ating mapupuna na, kalimitan sa mga paraan
ng pakikipag-kumunikasyon ng tao ay may ilang body
language ang nagagamit upang ihimatong ang ilang kilos
at sa ibang pangyayari, ilang mga pagkilos ay maaaring
mabago ang kahulugan ng isang binigkas na salita.
Halimbawa, kung ating
isaalang-alang ang isang mensahero na naghahatid ng
isang mensahe, maaring nagpapahiwating siya ng ilang
kilos sa pamamagitan ng body language, na hindi
kailanman maipapahayag sa salita. Ito ang nangyayari,
sapagkat marami sa ibang mga kasulatan ay tunay na
nailagay sa salita ng kung sino lang maliban sa guro o
sa direktang saksi ng mga pangyayari. Kailangan
magkaroon tayo ng lugar para sa mga pagkakamali at mga
hindi pagsasama.
3) Ang Tanging Relihiyon,
kung saan WALA kayong pagka-pari o MGA BANAL na Pinuno,
na kailangang parangalan o nagaangkin ng pagka-santo o
kaya'y maging dakila tulad ng isa na higit na
makapangyarihan sa iba o may maka-Diyos na pinagmulan ay
isinasagawa lamang sa Islam.
4) Ang Tanging Relihiyon,
kung saan ang lahat ng sangkatauhan ay itinuturing na
pantay-pantay (WALANG Dugong Bughaw) sa isa't isa, sa
paningin ng LUMIKHA, maging siya ay hari o mahirap ay
tinatanggap lamang sa ISLAM.
5) Ang Tanging Relihiyon, na
hindi humihingi ng sapilitan sa inyo na mag-abuloy ng
inyong yaman, para sa kanyang sariling kasaganaan ay
isinasagawa sa Islam. Subalit ang Kawanggawa ay
ibinibigay sa mahihirap at nagigipit sa buhay, iyan ay
para inyong sariling kapatid at hindi para sa LUMIKHA,
na lumikha sa lahat, kabilang na ang iyong yaman at
ari-arian.
6) Ang Tanging Relihiyon,
kung saan ikaw ay napasasakop sa LUMIKHA sa
pinakamababang-loob na paraan ng pagpapatirapa, walang
pagbabago at buong pagpapasailalim ay isinasagawa lamang
sa Islam.
7) Ang Tanging Relihiyon,
kung saan ang lahat ng tumanggap sa katotohanan, ay
inutusan na magtipun-tipon sa isang namumukod na lugar
sa isang namumukod na panahon sa isang namumukod na araw,
bawat taon, ay isinasagawa lamang sa Islam. Ito ay isang
tungkulin na ipinag-utos sa kanyang mga tagasunod minsan
sa kanyang buhay, bastat makakaya nila ito sa
pamamagitan ng kanilang sariling kabuhayan.
8) Ang Tanging Relihiyon,
kung saan ang Pangangalunya, Krimen, Paginom ng alak,
Sugal at Mga paguugali na labas sa kagandahang-asal ay
ipinagbabawal at pinarurusahan ay isinasagawa lamang sa
Islam.
Ipalagay na lang na wala
tayong AIDS, Syphilis, HIV, Asal-Lasing, Nakawan,
Karahasan o Pangangalunya sa isang tunay na lipunang
Islamiko.
9) Ang Tanging Relihiyon na
kung saan ang mga babae, ang mga ulila, ang mga
mahihirap, ang mahihina, ang mga nagigipit sa buhay ay
protektado ng mga batas ng kasulatan ay matatagpuan sa
Islam.
10) Ang Tanging Relihiyon,
na nagbabawal ng pang-aapi na may-kinalaman sa reliyon
sa mga hindi naniniwala, ay sinusunod sa Islam.
11) Ang Tanging Relihiyon,
na nagsasabi sa atin ng pagkakalikha ng mga Jinns (Espiritu)
na kasama nating nabubuhay dito sa planeta, ay nakasulat
sa Qur'an. Ang mga kapangyarihan na taglay nitong mga
Jinns at ang kanilang pagtulong sa sangkatauhan ay
binabangit din, at saka, kung paano si Haring Solomon sa
tulong ng mga Jinns na ito, ay nagawang itayo ang templo
para sa Diyos, sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pagkalalaking tipak ng bato ay binabangit din sa Qur'an.
(Ang lahat ng kababalaghan
sa mundo ay hindi mauunawaan lalo kapag ating matanto na
ang mga Jinns ay maaaring may nagawang parte doon) na
isang palatandaan din at paliwanag para sa
maraming-maraming ulat ng mga hindi maipaliwanag na
pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay.
12) Ang Tanging Relihiyon,
na kung saan ang lahat ng mga naunang Propeta at Mga
Sugo ay iginagalang ng pantay-pantay at ang mga
propetang ito ay iniuugnay doon sa mga naunang kasulatan,
ay ang kasulatang Islamiko.
May kailangan pa kayo ?
Magtanong at ipakikita sa inyo. Malugod kayong
tinatanggap na magpadala ng inyong mga puna, mapayapang
argumento at mga tanong sa pamamagitan ng daan sa (via)
religion@jetlink.com.ph.
Ang Relihiyon na ito (o
Panuntunan Ng Buhay) ay kilala bilang ang Relihiyon ng
"Katotohanan" at ang kanyang pangwakas na
salin ay tinatawag na Islam. Ang kasulatang Islamiko ay
ang kadalisayan ng mga naunang kasulatan. Kung iyong
inangkin ang mga naunang salin, ito ay hindi kumpleto at
madali kayong maihahatid sa pagkalito at walang duda
iyan ay ipinahiwatig ng mga naunang kasulatan, kailangan
nating hintayin ang pagdating ng isang "Ipinangako",
na tinawag na Rama, Krishna, Saosthyos, Maitreya,
Emmanuel, Messiah at Tagapayo, na ipadadala, pag handa
na tayong tanggapin ang taas na iyon ng pagkaintindi. (Dapat
nating tandaan pa, na ang isang bahagi ng aklat, ay
ibinigay sa bawat nasyon, sa kanilang wika at ng sila'y
sabihan na may isang darating pa, inasahan nila ang
pagdating hangga ngayon sa loob ng kanilang pangkat,
subalit ang nabigo nating mahiwatigan ay, ang ating
LUMIKHA ay walang pinipiling lahi at walang pinipiling
sekta o tribo na pinaboran Niya sa loob ng kanyang mga
nilikha. Sinuman ang sumunod sa Kanyang mga utos at
ginawa ang kanilang mga tungkulin tulad ng ipinakita ng
piniling propeta (ng panahong iyon) ay bahagi lahat ng
Kanyang pinaburang nilikha). At higit sa lahat, kung
itong ipinangakong ito ay ipadadala sa isang tribo na
binago na ang kanyang mga gawi, kaagad siya ay itatakwil
at parurusahan ng kamatayan, sapagkat siya ay susubok
magtaguyod ng bagay na bago na hindi sang-ayon sa
pinaniniwalaan ng tribo bilang kanilang orihinal na
paniniwala, na isinagawa ng kanilang mga ninuno at
inilipat sa kanila ng walang masamang hangarin (iyan ang
pangkalahatang paniniwala).
At dahil napakaraming mga
kabanata ng aklat ang naipadala sa sangkatauhan, na
kanilang binago at hindi na makilala pa at pinagnasaan
ang kaalamang iyan na parang kanila, hinigpitan at
inabuso ang iba para sa biyayang iyan na ipinakita sa
kanila noong una pa, ng kanilang lubos na sinunod ang
pananampalataya ng walang anumang binabago sa kasulatan,
ang huling kalatas ay tunay na mahigpit at matigas,
kumpara sa mga naunang mga kalatas.
Kung bakit ang ating
Manlilikha ay ibinigay ang Kanyang kalatas sa ganyang
paraan, ay lalong higit na mauunawaan, kapag ating
isinaalang-alang ang ating mga sarili. Bukod sa ating
kapalaluan, mga damdaming pagkamaingitin, kasakiman,
likas na pagkadominante at ang ating kakayahang
magsinungaling, gumawa at lokohin ang bawat isa, tayo ay
lubos na maykakayahan na tangihan ang kahit ano na hindi
natin mawatasan at patuloy na tangihan kahit ating
nauunawaan, ibig sabihin, na maaari nating tangihan ng
sadya ang katotohanan.
Kung ito ay kagustuhan ng
ating Maylikha na matatag ang Kanyang kataas-taasang
awtoridad sa Kanyang mga nilikha, ito ay napaka-simple
at napakadali. Subalit pinili Niya ang regla ng awa at
binigyan tayo ng sapat na dunong, paalaala at saka isang
konsiyensiya at pagkatapos ay hinayaan Niya tayo na
bumalik sa ating katinuan sa loob ng buong panahon na
tayo ay nabubuhay. Bawa't isa sa atin ay mananagot sa
ating mga gawa. (Ito ang ibig sabihin sa likod ng langit
at impiyerno.)
Marami ang mga henerasyon na
pinuksa dahil sa kanilang mga malaking kasalanan na
kanilang ginawa at ang kanilang pook ng pagsamba at mga
tirahan ay naiwan bilang tanda sa sangkatauhan na
saksihan at pag-isip-isipin. Subalit ang kasalukuyan
nating henerasyon, ay tila itinatampok ang mga guho
bilang mga monumento ng nagdaang kabantugan at
kinalimutan na ang mga henerasyon na iyon ay pinuksa at
inalis ng walang bakas, ng dahil sa kanilang mga ginawa.
Ngayon ay ating galugarin
ang Teoriya Ng Big Bang.