|
Original written by Bro. Jalaludeen in
English and posted as : Common
Message at http://www.geocities.com/Athens/Delphi/2571/relig004.htm
and translated into tagalog by Bro. Omar Gonzales
Itong pagbabalik-aral ay
ipinormat ayon sa balangkas ng panahon, mula sa
pinakahuli hangang sa pinakamatandang kasulatan na alam
ng tao: Isang taludtod lamang, na naglalarawan ng
pangunahing diwa ng kalatas, ng bawat kasulatan ay
pinaghahambing. (iba pang kasulatan na hindi nabangit sa
listahang ito ay tunay na supling na relihiyon mula sa
pagkakahalo ng isa o dalawa nitong mga nangingibabaw na
kasulatan)
Islam:
(Al-Qur'an
2:44) Ipinag-utos n'yo ba ang Tamang Paguugali sa mga
tao at nalimutan (itong isagawa) ng inyong mga sarili ?
Subalit pinagaaralan ninyo ang kasulatan ? (Batas).
Hindi n'yo ba maiintindihan ?
Walang pinsala o sakitan (mga
kawikaan ni Propeta Muhammad)
(Kasulatan:
ipinahayag noong mga 632 A.D. sa salitang Arabik sa
Gitnang Silangan, sa anyong aklat ng mga 640 A.D.,
hangga ngayon ay nasa kanyang orihinal na anyo at salita)
Kristianismo
. (Ebanghelyo:
Mateo 7:12) Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig
ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng
Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.
(Kasulatan: dapat nagsimula
noong 30 A.D. sa Salitang Aramaik at Salitang Hebro sa
Gitnang Silangan, subalit ipinalalagay na isinulat ng
mga 130 A.D. sa Latin at Griego, wala o nawawala
hanggang 325 A.D., ng iba't ibang kopya sa Griego at
Latin ay nagsimulang lumabas at pinagsama-sama sa isang
libro upang mabuo ang Bibliya.)
Budismo
: (Udana-Varga
5:18) Huwag manakit ng iba sa mga paraan na ikaw mismo
ay makikitang masakit ito.
(Kasulatan: Ang pinagmulan
ay maaaring noong 480 B.C. sa India, subalit tinanggap,
sinulat at isinagawa mula 3 B.C. ng isang pinuno ng
estado sa India)
Confucianismo
: (Lun
Yu (mga piling sipi mula sa mga sinulat ng may-akda)
15:23) Meroon bang, isang sawikain, (Batas) na dapat
tupdin sa buong buhay ng isang tao ? Tunay ito ay ang
sawikain ng pagmamahal-kabutihan. Huwag gawin sa iba ang
ayaw mong gawin nila sa iyo.
(Kasulatan: Ang pinagmulan
ay dapat noong mga 480 B.C. sa Tsina, subalit tinanggap
lang at sinulat ng mga 140 B.C.)
Taoismo
:
(Tai Shang Kan Ying Pien) Ituring ang tinubo ng inyong
kapitbahay na parang inyong tinubo at ang pagkalugi ng
inyong kapitbahay na parang inyong pagkalugi.
(Kasulatan: Ang pinagmulat
ay dapat noong 524 B.C., subalit tinanggap at sinamba pa
bilang diyos noong mga 2 B.C.)
Judaismo :-
(Vayikra
Leviticus) 19:18) Mahalin mo ang iyong kapitbahay na
parang sarili mo
(Talmud, Shabbat 3id) Ano
mang kamuhi-muhi sa iyo huwag mong gawin sa iyong kapwa
tao. Iyan ang buong Batas: ang lahat ng iba ay paliwanag
(Kasulatan: Ang pinagmulan
ay dapat noong 1250 B.C., dapat nalimbag bago mag-ika 1
B.C., subalit nawawala noong mga 70 A.D., isinulat muli
noong mga 200 A.D., ang kasalukuyang kopya ay noong 1008
A.D.)
Zoroastrianismo
: (Dadisten
-l-dinik 94:5) Ang katangian lang na iyon ay mabuti na
pumipigil na gawin sa iba ang anuman na hindi mabuti sa
sarili.
(Kasulatan: Ang pinagmulan
ay pinaniniwalaan na noong mga 1200 hanggang 500 B.C. sa
Persia, sinulat noong mga 5 hanggang 10 B.C.)
Hinduismo
: (Mahabharata
5:1517) Ito ang kabuuan ng tungkulin (Batas): Huwag
gawin sa iba, ang makasasakit sa inyo, kung gagawin sa
inyo.
(Kasulatan: Pinaniniwalang
nagsimula noong mga 2000 B.C. sa India, sinulat noong
mga 1000 B.C. hanggang 800 B.C.)
Ang lahat ng mga bersong ito
ay kataka-taka na magkakatulad, lahat sila ay
nagbabangit ng isang batas at isang pamantayan na
sinasabihan tayong isagawa sa pagitan natin. Hindi tayo
sinasabihan nito na para lang sa natatanging nasyon,
tribo o lahi ito katulad ng karamihan sa atin ay tila
inaakala.
Bilang pangwakas, kahit na
ang lahat ng bersong ito ay naihatid sa iba't ibang
panahon sa iba't ibang mga nasyon sila ay magkapareho
nga kalatas. Buhat ng ipinadala ang mga kasulatang ito
sa iba't ibang tribo sa kani-kanilang inang dila, ang
lahat ng sangkatauhan ay nagkaroon ng pagkakataon na
maunawaan ang kanilang kahalagahan at mga kahulugan,
maliwanag, wala na ngayong makatatangi sa pagkakaroon ng
ating MANLILIKHA. At saka kailangan nating tandaan na
ang lahat ng kasulatang ito ay inihatid ng isang
piniling tao, na noong panahon ng kanyang buhay, ay
hindi lubos na tinanggap o naunawaan bilang guro
hanggang pagkaraan ng ilang henerasyon, ang kasalukuyang
anyo ng pangangaral ay ipinalagay na nagsimula doon sa
hinirang na tao o kanyang mga disipulo, na sa
kasamaang-palad ay matagal ng namatay. Dagdag pa dito at
tulad sa halos lahat ng mga pangyayari ang mga kasulatan
ay hindi naisulat ng guro kundi naisaulo at naihatid ng
pasalita sa gitna nila na piniling sumunod sa mga
katuruan ng gurong iyon. Ang ganitong uri ng paghahatid,
ayon sa ating kaalaman ay madaling pasamain ng sinasadya
at hindi sinasadya at sa pagsulong ng mga henerasyon ay
napakadaling magkaroon ng napakaraming pagdaragdag at
hindi pagsasama. Ito ang malungkot na pangyayari sa
halos lahat ng kasalukuyang mga kasulatan na nakaya
nating suriin dito. Ang mga sumusunod na bahagi dito sa
mga berso ay kailangang maitala: -
1. Ang mga berso ay
nagsasabi sa atin ng tungkol sa Pagkakapantay-pantay at
Tamang Asal na siyang pinakadiwa para sa isang
mapayapang kapaligiran.
2. Ang mga berso ay
nagsasabi sa atin ng tungkol sa Pagkakaisa, na
maghahatid rin sa atin sa Kapayapaan.
3. Sila ay nagtuturo ng
Kapatiran, na maghahatid sa pagkakaisa, na maghahatid sa
Kapayapaan.
4. Pinapayuhan tayo na
gamitin ang isang mapayapang pamamaraan ng buhay.
Ang salitang Kapayapaan sa
Hebro ay "Shalom"
Ang salitang Kapayapaan sa
Arabik ay "Salam".
Ang Tanging Kasulatang May-kinalaman
sa relihiyon na nanatiling buo na walang anuman na
pagbabago at nagawang maisulat ng guro at napagsama-sama
at nagawang isang aklat ng kanyang mga tagasunod na
tunay na kasama-sama niya ay ang Qur'an. Ang mga
tagasunod nitong kasulatan ay isinasagawa ang
"Islam", na kamangha-mangha ay nangangahulugan
din ng ""Kapayapaan". Di tulad ng ibang
relihiyon, ang pangalang "Islam" ay ibinigay
sa kasulatan mismo.
Ang lahat ng mga naunang
kasulatan ay nagpahiwatig ng Kapayapaan (ibig sabihin :
Islam) at kagulat-gulat rin, halos lahat ay nagbangit ng
tungkol sa Propetang darating, (isang ipinangako) na
gagabay sa atin, sa "Kapayapaang ito".
Gayon nga, tayo ito, na
humati sa ating mga sarili sa magkakaibang
pananampalataya, dahil sa ating limitadong pang-unawa.
Walang duda ang ating LUMIKHA ay binigyan lang tayo ng
isang kalatas.
Ngayon ating galugarin kung
alin ang Tanging Nag-iisa. |