wa
'ala aali Ibrahima innaka hameedum majeed.Allahumma
barik 'ala Muhammadin wa 'ala aali Muhammad,
kama barakta 'ala Ibrahima wa 'ala aali Ibrahima innaka
hameedum majeed.
Ang salin ng kahulugan sa
Tagalog:
O Allah , pagpalain mo po si
Muhammad at ang pamilya ni Muhammad katulad ng pagpala
Mokay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim; tunay na Ikaw
ang kapuri-puri at ang Dakila. O Allah , biyayaan Mo po
si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad katulad ng
pagbiyaya Mo kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim; tunay
na Ikaw ang kapuri-puri at ang Dakila.
Matapos bigkasin ang huling
tashahud ,nararapat ding ipanalangin ang sumusunod:
Allahumma inni a'oodhu bika
min 'adhabi jahannama wa min 'adhabil qabri wa min
fitnatil mahya wal mamati wa min fitnatil maseehid
dajjal.
Ang salin ng kahulugan sa
Tagalog:
O Allah , ako po ay
nagpapakupkop sa Iyo laban sa pasakit sa Impiyerno at
pasakit sa libingan , at sa pagsubok sa buhay at sa
kamatayan , at sa tukso ng Bulaang Kristo. Pagkaraaan
nito.
Pagkatapos nito ay maaari na
siyang manalangin at humiling kay Allah ng anumang
naisin niya at mas lalong mainam kung gagamitin niyang
panalangin ay ang katulad ng sa Propeta Muhammad (SAS):
Allahumma a'inni 'ala
dhikrika wa shukrika wa husni 'ibadatik. Allahumma inni
dhalamtu nafsi dhulman katheeran , wa la yaghfirudh
dhunuba illa anta , faghfir li maghfiratan min indak ,
innaka antal ghafoorur raheem.
Ang salin ng kahulugan sa
Tagalog:
O Allah , tulungan Mo po ako
sa pag-alaala sa Iyo at sa pagpapasalamat sa Iyo at sa
pagpapabuti ng aking pagsamba sa Iyo. O Allah ,ako po ay
nakagawa ng maraming pagkakasala sa aking sarili at
walang nagpapatawad ng mga kasalanan kundi Ikaw kaya
igawad Mo po sa akin ang kapatawarang buhat sa Iyo;
tunay na Ikaw ang mapagpatawad at ang Maawain.
IKASAMPUNG ARALIN
Sa pagsasagawa ng salah ,
may mga sunnah na dapat alamin:
1. Ang pagbigkas ng du'a
al-iftiftah
2. Ang paglagay ng mga kamay
sa dibdib; ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang
kamay habang nasa nakatayong posisyon.
3. Ang pagtaas ng mga kamay
hanggang sa balikat o malapit sa tainga na ang mga
daliri ay magkakadikit habang nagsasabi ng Allahu Akbar
kapag sinisimulan ang salah , magsaasgawa ng ruku ,
kapag buma-balik sa pagkakatayo pagkatapos magsagawa ng
ruku , at kapag tatayo para simulan ang ikatlong yunit
ng salah.
4. Ang pagsabi ng Subhana
rabbiyal 'adheem at Subhana rabbiyal a'la nang higit sa
isang beses habang nasa posisyong ruku at sujud.
5. Ang pagsabi ng rabbighfir
li warhamni wahdini warzuqni wa`afini wajburni (o aking
Panginoon, patawarin Mo po ako;at pagalingin Mo po ako.)
nang higit sa isang beses sa pagitan ng dalawang sujud.
6. Ang pagyukong ang ulo at
likuran ay nasa pantay na posisyon. Ito ang tamang
posisyon ng ruku
7. Habang nasa popsisyong
sujud (pagpapatirapa),ang mga braso ay hindi dapat
nakadikit sa tagiliran at ang dibdib ay hindi dapat
nakadikit sa mga hita o nakadikit ang mga hita sa mga
binti.
8. Ang pagtaas ng mga braso
habang nasa sujud na posisyon
9. Ang pananalangin
(Tashahhud) para kay Propeta Muhammad (SAS) at sa
kanyang pamilya at para kay Propeta Ibrahim at sa
kanyang pamilya (ang huling Tashahhud ang siyang
tinutukoy rito).
10. Ang may tunog na
pagsasagawa ng salah sa fajr, maghrib, at isha.
11. Ang pag-upo sa pagitan
ng dalawang sujud na ang kaliwang pigi ay nakapatong sa
kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay
nakatukod at ang mga daliri nito ay nakasayad sa lapag
(sahig o lupa).
12. Ang pag-upo ng upong
tinatawag na tawarruk habang binibigkas ang buong
tashahhud. Ang pag-upong ito ay ganito: nakatukod ang
kanang paa , nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng
kanang paa sa ilalim ng kanang binti , at nakadiit sa
lapag ang kanang pigi.
13. Ang tahimik na pagbigkas
ng du`a pagkatapos ng huling Tashahhud.
14. Ang tahimik na
pagsasagawa ng salah sa dhuhr , sa `asr sa huling rak`ah
ng maghrib , at sa huling dalawang rak`ah ng `isha; at
15. Ang pagbigkas ng mga
piniling talata ng Banal na Qur'an pagkatapos bigkasin
ang Al-Fatiha.
IKALABING-ISANG ARALIN
Ang pagkawala ng bisa ng
salah
Ang anumang salah ay
nawawalan ng bisa kapag ang alin man sa mga sumusunod ay
nagawa:
1. Pagsasalita ng sadya
2. Pagtawa
3. Pagkain habang nagsaagawa
ng salah.
4. Pag-inom habang
nagsasagawa ng salah.
5. Pag alis ng mga kasuotan
sa katawan na ipinagbabawal na alisin habang nagsasagawa
ng salah.
6. Pagkakalihis nang labis
sa direksiyon ng qiblah.
7. Walang dahilang labis na
galaw na walang kinalaman sa salah, at.
8. Pagkawala ng wudu.
IKALABINDALAWANG ARALIN
Ang sampung kondisyon sa
pagsasagawa ng wudu:
1. Islam (Kailangan ang
magsasagawa ng wudu ay isang Muslim)
2. Sapat na pag-iisip
3. Tamang gulang
4 &5. Ang intensiyon
(niyah) at ang pagsasagawa nito nang tuloy-tuloy (Hindi
dapat pahinto-hinto ang pagsasagawa ng wudu).
6. Pagsasagawa ng istinjah
(paglilinis ng mga maseselang bahagi ng katawan sa
pamamagitan ng tubig) o ng istijmar (paglilinis ng mga
maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng bato o
papel o dahon) bago magsagawa ng wudu,
7. Ang tubig na dapat
gamitin ay kailangang malinis at mubah (hindi ninakaw o
kinuha ng sapilitan sa iba)
8. Ang pag-alis ng lahat ng
bagay na sagabal sa pagpasok ng tubig sa bahagi ng
katawan na kailangang wudu.
9. Ang mga palagiang
nawawalan ng bisa ang kanilang wudu (sanhi ng pag-utot ,
pag-ihi , o ano pa mang nakapagpawalang bisa ng wudu)
kailangang magsagawa nito sa tuwing bago magsasagawa ng
salah, at
10. Ang paglitaw ng iba pang
dahilan na nangangailangan ng pagsasagawa ng wudu (gaya
ng pag-ihi , pag-dumi , pagtulog at pagkain ng karne ng
kamelyo).
IKALABINTATLONG ARALIN
Ang fard (obligadong gawain)
sa pagsasagawa ng wudu
1. Ang paghugas ng mukha
kasama na rito ang paglilinis ng bibig sa pamamagitan ng
tubig at ang paglilinis
ng
loob ng ilong.
2. Ang paghugas ng dalawang
kamay hanggang lagpas siko.
3. Ang paghaplos ng kamay na
basa sa ulo kasama ang tainga.
4. Ang paghugas ng dalawang
paa kasama na ang mga sakong , at
5. Ang pagsasagawa ng wudu
ayonsa itinakdang pagkakasunod-sunod na walang
pag-aantala.
IKA LABING - APAT NA ARALIN
Ang anim na
nakapagpapawalang-bisa sa wudu:
1. Ang pag-ihi , pagdumi ,
at paglabas ng hangin
2. Ang sobrang paglabas ng
anumang maruming bagay mula sa katawan
3. Ang pagkawala ng
kamalayan sanhi ng pagkatulog o pagkawala ng ulirat
4. Ang pagkain ng karneng
kamelyo (sapagkat iniutos ni Propeta Muhammad (SAS) na
magsagawa ng wudu matapos na kumain nito).
5. Ang pagtalikod o paglisan
sa Islam ; at
6. Ang paghawak sa maselang
bahagi ng katawan (na walang nakatakip o damit)
Paalala: Ang paghugas ng
patay ay hindi nakawawala ng bisa ng wudu maliban kung
ang naghuhugas ng patay ay humawak sa maselang bahagi ng
katawan ng patay. Ang paghalik sa babae nang may
pagnanasa o walang pagnanasa ay hindi nakasisira ng wudu
sapagkat si Propeta Muhammad (SAS) ay minsang humalik sa
isa niyang asawa at pagkatapos nito ay nagsagawa ng
salah na hindi nagsagawa ng wudu.Ang wudu ay may bisa
hanggang walang lumalabas sa ari na likidong sanhi ng
pagnanasang seksuwal. Tungkol naman sa sinasabi ni Allah
, Ang maluwalhati: "O kayo ay humawak ng mga babae
" (4:43) , ang ibig sabihin ng
"humawak ng babae"
sa talatang ito ay ay ang aktuwal na pakikipagtalik sa
babae tulad ng pagsasalaysay
ni Ibn Abbas at iba pa at
ito ang tamang opinyon.
IKA-LABINLIMANG ARALIN
Ang mga sumusunod ay ang mga
itinagubiling mabuting asal para sa mga Muslim:
Pagiging makatotohanan ,
katapatan , Pagiging kagalang-galang (sa kilos at
pananalita),Katapangan , Pagiging mapagbigay, pag-iwas
at pagtalikod sa lahat ng bagay ipinagbabawal ni Allah ,
Pagiging mabuting mabuting kapitbahay , Pagiging
matulungin sa mga nangangailangan , at iba pang mga
kabutihang asal na nakasaad sa Banal na Qur'an at sa
Hadith ni Propeta Muhammad (SAS).
IKALABING -ANIM NA ARALIN
Ang mga sumusunod ay ang mga
itinagubiling magandang asal para sa mga Muslim:
1. Ang pagbati sa
pamamagitan ng pagsabi ng Assalamu Alaykum
2. Ang pagkamasayahin
3. Ang paggamit ng kanang
kamay sa pagkain at pag -inom
4. Ang pagsunod sa mga
alituntunin sa mga alituntuning pang -Islam kapag
papasok at lalabas sa bahay , masjid , at kapag
naglalakbay.
5. Ang pagiging mabuti sa
pakikitungo sa mga magulang , mga kamag-anakan , mga
kapitbahay ,mga matatanda , at mga nakababata.
6. Pagbati (sa natamong
tagumpay ng kapwa)
7. Pakikiramay (sa dalamhati
ng iba)
8. At iba pang magagandang
asal na itinuturo ng Islam.
IKALABIMPITONG ARALIN
Ang pagbabala laban sa Shirk
at laban sa masamang gawaing katulad ng pangungulam
(mahika o karunungang itim), pagpatay , paggamit ng
salapi ng mga ulila , riba (pagpapatubo sa utang) ,
pag-iwas sa panahon ng Jihad , pag-aakusa ng masama sa
mga mararangal na babae , pagsuway sa mga magulang ,
paki-kipag-away sa mga kamag-anakan, pagsaksi sa walang
katotohanan, pananakit o pamiminsala sa kapitbahay
pakikipagkagalit sa kapwa , at iba pang babala na
ipinahayag ni Allah at ng Kanyang Sugo (SAS).
IKALABINGWALONG ARALIN
Ang paghugas sa katawan ng
patay at pagsasagawa ng salah para sa patay (Salatul
janazah):
I- Ang Pagpapaligo sa Patay
1. Kapag ang isang Muslim ay
napatunayang patay na , kailangang ipikit ang mga mata
nito at isara ang bibig nito.
2. Sa paglilinis ng katawan
ng patay , ang buong katawan simula sa bahagi ng katawan
na hinuhugasan sa wudu ay kailangang hugasan. Ang tiyan
ay marahang idinidiin at sinusundan ng paghugas ng puwit
at ng maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng
basang tela. Pagkatapos nito ay gagawan ng
pangkarani-wang wudu ang patay .
Ang katawan ay hinuhugasan
simula sa ulo at balbas sa pamamagitan ng tubig na may
halong dahon ng sidr (lotus kung mayroon nito). Ang
kanang bahagi ng katawan ang kailangang hugasan bago ang
kaliwang bahagi ng katawan at huhugasan ito ng
tigtatalong beses katulad ng nabanggit sa itaas , ang
tiyan ay dapat na idiin. Ang bigote at ang mga kuko ay
dapat gupitin. Kung ang katawan ay malinis na , ito ay
binibalot sa tatlong puting tela na nakatago ang lahat
ng bahagi ng katawan at pinapaba-nguhan ng insenso. Kung
sakaling ang katawan ng patay ay hindi pa malinis , ang
paghuhugas sa kanya ay kailangang gawing lima hanggang
pitong beses at pagkaraan tapos nito ay patutuyuin ito
sa pamamagitan ng pagpupunas ng malinis na tela. Ang
buhok ng lalaki ay hindi dapat suklayin samantalang ang
buhok ng babae ay dapat na itarintas sa tatlong bahagi
at hayaang nakababa sa kanyang likuran.
3. Mas mainam na ibalot ang
lalaki sa tatlong puting tela na walang panloob ng damit
o takip sa ulo (amamah) ; ang mga bata ay ibalot sa isa
hanggang sa tatlong tela ; at ang babae naman ay sa
limang tela ;
(1) Dir: isang maluwag na
panlabas na kasuotan na may manggas,
(2) Khimar: panakip sa ulo
at mukha,
(3) Izar: isang tela na
ipinantatapis sa baywang nito , at (4) dalawang
malalapad na telang pambalot sa buong katawan. Ang mga
batang babae ay maaring balutin na nakadamit at sa
dalawang tela.
4. Ang may karapatan upang
hugasan o linisin ang lalaki ay ang taong pinagbilinan
niya (kung mayroon man) at ang mga susunod ayon sa
pagkakasunod-sunod: ang kanyang ama , ang kanyang lolo,
ang kanyang pinakamalapit na kamag-anak. Mas mainam na
ang babaeng patay ay paliguan ng napili niya (kung bago
siya napatay ay may napili siya) at ang mga sumusunod
ayon sa pagkakasunod-sunod: ang kanyang ina o ang
kanyang lola , at ang alin man sa pinakamalapit niyang
kamag-anakang babae. Ang asawang lalaki ay maaaring
magpaligo sa kanyang asawa at ang asawang babae ay
maaari ring magpaligo sa katawan ng kanyang asawa
sapagkat noong namatay si Abu Bakr (RA) ay pinaliguan
siya ng kanyang asawa at si Ali bin Abi Talib (RA) ang
nagpaligo noong namatay ang kanyang asawang si Fatima
(RA).
II- Ang pagsasagawa ng salah
para sa patay (salatul janazah)
1. Ang Takbeer o pagsabi ng
"Allahu Akbar" ay bibigkasin nang apat na
beses sa salah na ito.
2. Binibigkas nang tahimik
ang Al-Fatiha pagkatapos ng unang takbeer
3. Pagkatapos ng Al-Fatihah
ay binibigkas nang tahimik ang panalangin para kay
Propeta Muhammad (SAS)
4. Pagkatapos ng panalangin
para sa Propeta ay binibigkas ang ikatlong takbeer at
saka binibigkas ang mga karaniwang idinadalangin para sa
patay gaya halimbawa ng paghingi ng kapatawaran para sa
lahat ng
Muslim o anumang du`a na
nalalaman lalong-lalo na ang katulad nito:
Allahummaghfir li hayyina wa
mayyitina , wa shahidina wa gha`ibina , wa saghirina wa
kabirina , wa dhakirina wa unthana. Allahumma man
tawaffaytahu minna fa tawaffahu alal Iman.
Allahumma la tahrimna ajrahu
, wa la taftina ba'dah.
O Allah , patawarin Mo po
ang mga nabubuhay sa amin at ang mga namatay na sa amin
, at mga naririto ngayon sa amin at ang mga wala ngayon
sa amin , at ang mga lalaki sa amin at ang mga babae sa
amin. O Allah , ang sinumang
hinayaan Mo pang mabuhay sa amin , pamuhayin Mo po siya
ng buhay naisang mananampalataya. O Allah , huwag Mo po
kaming pagkaitan ng bahagi sa kanyang gantimpala at
huwag Mo po kaming ilagay sa pagsubok matapos na siya ay
yumao.
Allahummaghfir lahu
warhamhu, wa 'afihi wa'fu anhu wa akrim nuzulahu , wa
wassi'
madkahlahu , waghsilhu bil
ma`i wathalii walbarad , wa naqqihi minadh dhunubi wal
khataya ,
kama yunaqqath thawbul
abyadu minad danas , wa abdilhu daran khairam min darihi
, wa ahlan
khairam min ahlihi , wa
adkhilhul jannah , wa 'a'idh-hu min adhabil qabr wa
adhabi an nar,
wafsah lahu fi qabrihi
wanawwir lahu fihi.Allahumma la tahrimna ajrahu , wa la
tudlilna ba'dahu
O Allah , patawarin Mo po
siya at kaawaan Mo po siya ; pangalagaan Mo po siya at
pagpauman-
hinan Mo po siya ; tanggapin
Mo po siya ng may karangalan at gawin Mo pong maluwang
ang kanyang
libingan ; linisin Mo po
siya sa pamamagitan ng tubig ,yelo at niyebe, at linisin
Mo po siya mula sa mga
kasalanan at mga kamalian
katulad ng kalinisan ng puting damit mula sa marumi ;
bigyan Mo po siya ng
tahanang mas mainam pa sa
dati niyang tahanan at kasamang mas mainam pa sa dati
niyang kasama.
Papasukin Mo po siya sa
paraiso at kupkupin Mo po siya mula sa pasakit sa
libingan at pasakit sa Impi-
yerno. Palawakin Mo po ang
kanyang libingan at bigyan Mo po ito ng liwanag. O Allah
, huwag Mo po
kaming pagkaitan ng bahagi
sa kanyang gantimpala at huwag Mo pong hayaan na kami ay
maligaw matapos na siya ay yumao.
5. Pagkatapos nito ay
sabihin ang takbeer sa ika-apat na pagkakataon at saka
lumingon sa kanan habang sinasabi ang "Assalamu
Alaykum". Dito nagtatapos ang salatul janazah.
Mas mainam na itaas ang mga
kamay habang sinasabi ng "Allahu Akbar".
Kung ang namatay ay isang
sanggol o bata ang du`a na mainam para rito ay ganito:
Allahumma maj'alhu dhikran
liwalidayhi wa shafi`an mujaban. Allahumma thaqqil bihi
mawazinahuma wa 'adhdhim bihi ujoorahuma wa alhiqhu
bisalihil mu'mieen, waj'alhu fi kafalati Ibrahim alayhis
salam , wa qihi bi rahmatika adhabal jahim.
O Allah , gawin Mo po siya
na isang paunang gantimpala at isang laang yaman (sa
araw ng Pag-huhukom) para as kanyang mga magulang at
isang tagapamagitan na pakikinggan. O Allah , pabigatin
Mo po ang timbangan (ng mabuting gawa) ng kanyang mga
magulang sa pamamagitan niya , palakihin Mo po ang
kanilang mga gantimpala sa pamamagitan niya , isama Mo
po siya sa matutuwid na mga mananampa-lataya at ilagay
Mo po siya sa pangangalaga ni Ibrahim (AS) ; at
pangalagaan Mo po siya sa pamamagitan ng Iyong awa laban
sa pasakit ng nagliliyab na Apoy.
Ang puwesto ng Imam sa
Pagsasagawa ng Salatul Janazah
Kung lalaki ang namatay
isang tradisyon para sa Imam na tumayo sa tabi ng
kaliwang bahagi ng ulo ng patay. At kung ito ay babae ,
ang Imam ay tatayo sa gitna ng kaliwang bahagi ng
katawan nito. Kung sama-sama sa isang Salatul Janazah
ang patay na mga lalaki , mga babae , at mga bata (babae
at lalaki) , ganito ang pag-aayos na gagawin:
Ang mga bangkay na lalaki ay
nasa harapan ng Imam. Ang mga batang lalaki ay nasa
kanan ng mga kalalakihan. Ang mga babae ay nasa kanan ng
mga batang lalaki. Ang mga batang babae ay nasa kanan ng
mga babae. Ang mga batang lalaki ay ilalagay na mas
malapit sa mga lalaki kaysa mga babae. (Lahat ng bangkay
ay nakalapag na nakapahalang sa hanay ng mga nagsasagwa
ng Salatul Janazah.) Ang mga bangkay ay isinaayos na ang
ulo ng batang lalaki ay nakatapat sa ulo ng lalaki
samantalang ang gitnang bahagi ng katawan ng babae ay
nakatapat sa ulo ng lalaki. Ang ulo ng batang babae ay
nakatapat sa ulo ng babae. Ang mga tagasunod ng Imam ay
nakatayo sa kanyang likuran katulad ng sa pangkaraniwang
salah. Maari ding tumabi sa kanan ng Imam kung wala nang
matagpuang lugar sa likod ng Imam.
Ang pagpuri ay nauukol kay
Allah ; nawa'y igawad ni Allah ang kanyang mga pagpapala
at kapayapaan sa Kanyang Propeta at sa pamilya at mga
kasamahan niya.
Para sa anumang puna o
mungkahi tungkol sa aklat na ito , mangyaring sumulat po
lamang kay:
Dr. Saleh As-Saleh ,
Islamic Guidance Center,
P.O. Box 142 , Buraidah,
Saudi Arabia
O magsadya lamang kay:
Religious Research Centre
(RRC)
km.5 Talon-Talon
Zamboanga City,Philippines
e-mail address:
religion@jetlink.com.ph