Ang Banal na Qur’an
ay ang panghuling kapahayagan ng Allah. Ito ay
tunay na salita ng Allah na napanatili sa kanyang
orihinal na anyo.
Ang Banal na Qur’an
ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa
ang kapayapaan) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel
sa loob ng dalawampu’t-tatlong taon. Ito ang
saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. Ang
kapahayagang ito ay siyang binibigkas ng mga
Muslim sa tuwing magdarasal ng limang beses sa
maghapon. Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag ng
Allah bilang gabay sa sangkatauhan.
Sa katunayan, maraming
Muslim ang nasasaulo ang buong Banal na Qur’an.
Ito ay isang patunay na ang Banal na Qur’an ay
hindi maaaring baguhin magpakailanman at isang
tanda na ito ay pinangangalagaan ng Allah laban sa
anumang pagbabago.
Sa Banal na Qur’an
(15:9) ang Allah ay nagsabi :
“Katotohanan,
ipinadala Namin ang Kapayahagan; at katiyakang
pangangalagaan Namin ito (sa ano mang pagbabago).”